Ikinulong ng Bureau of Immigration (BI) at nakapila sa deportasyon ang tatlong dayuhan na naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa paggamit ng bogus na mga dokumento, noong nakaraang linggo.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, isasailalim sa deportation proceedings sina Moustapha Harry Dicko, Malian; Gabriel Martinez Mendoza, Mexican; at Joynul Islam, Bangladeshi.
“We are alarmed by what appears to be a proliferation in the use of fraudulent travel documents by foreigners who attempt to enter or exit our country. I instructed BI-NAIA personnel to double their vigilance to put a stop to these individuals these individuals attempting to travel illegally,” wika ni Morente.
Idiniretso ang tatlong dayuhan sa BI jail, sa Taguig City.
-Mina Navarro