CARACAS (Reuters) – Idinetine ng mga awtoridad ng Venezuela nitong Linggo ang anim na katao kaugnay sa drone explosions sa rally na pinamunuan ni President Nicolas Maduro.

Nagpakawala ang mga suspek ng dalawang drone na may dalang pampasabog sa outdoor rally ni Maduro sa downtown Caracas para sa pagdiriwang ng National Guard nitong Sabado, sinabi ni Interior Minister Nestor Reverol. Ang isa ay nai-divert ng security forces habang ang pangalawa ay bumagsak at tumama sa isang apartment building.

“These terrorist acts represent a slap in the face to the expressed desire of the President of the Republic, Nicolas Maduro, for national reconciliation and dialogue,” ani Reverol sa isang pahayag na binasa sa state television.

Ipinakita sa state television footage ng rally na nagitla si Maduro sa pagsabog at nagtakbuhan ang mga sundalo. Kalaunan ay inilarawan ng Presidente ang atake, ikinasugat ng pitong sundalo, na isang assassination attempt.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina