HINIHIKAYAT ng United Coconut Association of the Philippines (UCAP) ang mga Pilipino na pasukin ang oportunidad sa pagnenegosyo mula sa sumisiglang pandaigdigang demand para sa value-added na produktong mula sa niyog tulad ng harina at asukal.

Kabilang ang Pilipinas sa world’s top producers at exporter ng hilaw na niyog ngunit hindi pa nito nakakamit ang buong potensiyal ng produkto upang magkaroon ng dagdag na kita, giit ni UCAP Chairperson Dean Lao, Jr. sa isang panayam nitong Lunes. “Much value-adding is done overseas. What we want is to bring this to the Philippines, which can offer more than just crude coconut oil.”

Ipinagdiinan din ni UCAP Vice-Chairperson Marco Reyes na apat na ‘global trends’ ang pinaaangat ang demand para sa value-added coconut na produkto.

Kabilang sa ‘global trends’ na ito ang pagtaas ng interes ng mga mamimili sa ‘health and wellness,’ ang pagtaas ng populasyon ng mga tumatanda, paglitaw ng green movement, at ang pagsisimula ng information revolution.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May lakas ka dahil kasama mo si Kristo

“The world is changing and we’re correspondingly seeing an exponential increase in demand for value-added coconut products,” ani Reyes.

Bagamat wala pang datos ang UCAP para sa aktuwal na demand para sa mga value-added na produktong niyog at ang nakikinabang din sa mga produktong ito ang pamilihan ng Pilipinas, kumpiyansa si Reyes hinggil sa maaaring marating nito, habang binanggit din niya ang mga pag-aaral na nagpapakita na ang niyog at mga produkto nito ay patuloy na nakikilala bilang natural na alternatibo para sa kalusugan.

Aniya, ipinapakita sa mga pag-aaral na ang pagkonsumo ng niyog ay makakatulong sa problemang may kinalaman sa pagtanda tulad ng paghina ng memorya.

“In line with the green movement, developed nations are looking for products which are organic, sustainable, and renewable,” aniya.

Kabilang nga sa mga produktong nabanggit niya ay biofuel, na inihahalo sa coco methyl ester at diesel fuel. Maaari umano itong makatulong sa takbo ng sasakyan at nakatutulong na mabawasan ang maduming usok na inilalabas.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng UCAP ang publiko na dumalo sa pagdiriwang ng National Coconut Week sa Metro Manila sa Agosto 14-16, upang matutunan ang tungkol sa niyog at ang maaaring produktong malikha mula sa halamang ito.

PNA