HINDI lang pagbabalik-tanaw sa kabataan ang hatid ng pelikulang Christopher Robin ng Disney sa mga manonood, ipakikita rin dito ang takbo ng buhay patungo sa adulthood.

Christopher-Robin

Ipakikita nina Christopher Robin (Ewan McGregor) at ng buong gang ng Hundred Acre Wood — na sina Pooh, Piglet, Eeyore, Tigger, Kanga at Roo, Owl, at Rabbit — sa kanilang paglalakbay ang mga life lesson mula sa ating pagkabata na magagamit natin para harapin ang mas mahirap na sitwasyong susubok sa ating pagtanda.

Patatawanin at paluluhain ng gang ang mga manunuod nang tulungan nila si Christopher na isabuhay muli ang dating adventurous at playful na pagkatao niya.

Tsika at Intriga

Julie Anne, may gustong ipakapa sa nagsasabing retokada siya

Humanda na ring ma-in love hindi lamang kay Pooh ngunit sa buong Hundred Acre Wood, lalo na kay Eeyore na kalaunan ay magiging donkey ng lahat.

Maaaring mapanood ang naturang pelikula sa alinmang SM Cinema branch sa buong mundo, na nagsimula nag ipalabas kahapon.

-Manila Bulletin Entertainment