SYDNEY (Reuters) – Sasali ang navy ng China sa 26 iba pang mga bansa sa military exercises sa hilagang baybayin ng Australia ngayong buwan, ngunit hindi sa live-fire drills, sinabi ng defense minister ng Australia kahapon sa panahong nagkalamat ang relasyon ng dalawang nasyon.

Ang naval exercises ay hosted ng Australia at makakasama rin ang kaalyado nitong United States, na noong Mayo ay hindi pinasali ang China sa military training nito sa Hawaii – bilang tugon sa nakikita nitong militarisasyon ng Beijing sa South China Sea.

“China is expected to participate in a range of activities including passage exercises, inter-ship communications and replenishment activities and sea-training maneuvers,” sinabi ni Australian Defense Minister Marise Payne sa emailed statement
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture