Magdo-doble kayod ang Senado sa pagtatalakay ng mahahalang panukalang batas sa maiksing panahon na nalalabi bago ang 2019 elections.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III nagkasundo sila na kapag kinakailangan, lahat ng local bills ay kanilang tatalakayin tuwing Huwebes at ilalaan ang Lunes, Martes at Miyerkules para sa national bills.

Samantala, hindi apektado si Sotto sa pagbaba ng ratings ng Senado sa huling Social Weather Station (SWS) survey, at kumpiyansang maibabalik nila ang tiwala ng sambayanan.

“Basta gawin namin ang trabaho naming mabuti, sipagan pa namin,” ani Sotto.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

-Leonel M. Abasola