AKALA namin ay hindi sasagutin ni Cherie Gil ang tanong sa kanya sa presscon ng Onanay kung alin sa ABS-CBN at GMA-7 ang mas mataas magbigay ng talent fee. Ang dating sa amin, na-offend si Cherie sa tanong ng reporter dahil hindi agad sumagot ang aktres at tiningnan muna ang reporter.

After a few seconds, sumagot si Cherie: “Talent fee is a huge consideration, but acting is my profession, that’s why I’m here and I love doing it. Issue on talent fee is too personal.”

Kung napansin n’yo, hindi diretsong sinagot ni Cherie ang tanong tungkol sa talent fee. Nabanggit na rin naman niya na thankful siya sa ABS-CBN at GMA-7 for always giving her the right project and the right role.

Inamin din ni Cherie na ang big challenge na hinarap niya sa role na Helena, bilang mother-in-law ng bidang si Onay (Jo Berry), ay ang pagiging maliit nito.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Mahirap na ngang makaeksena ang ka-eye level mo, mas lalong mahirap kung sobrang maliit ang kaeksena mo. Kailangang tumingin ako sa baba para makita ko si Onay. At habang nagda-dialogue, iisipin mo ang anggulo mo dahil baka nakatungo ka at ‘di makikita ang mukha mo.

“Concerned din ako na baka masipa ko siya doon sa eksenang nakahawak siya sa binti ko. It was a challenge, pero masarap gawin,” kuwento ni Cherie.

Hindi madi-disappoint ang mga nag-aabang ng confrontation scene nina Cherie at Nora Aunor, dahil marami silang ganitong eksena bilang magbalae ang kani-kanyang role. Si Nora ang gaganap na ina ni Onay.

Sa direksiyon ni Gina Alajar, na former hipag ni Cherie, magsisimulang mapanood ang Onanay sa August 6, pagkatapos ng Victor Magtanggol.

-Nitz Miralles