SA unang press conference ng The Stepdaughters, inihayag na kasama si Dion Ignacio sa cast ng serye. Supposedly, Dion will portray the role of Froilan, the brother of Francis (Mikael Daez), and was supposed to be one of the kontrabidas.

Dion

When the character appeared a month after the show’s premiere, it was Edgar Allan Guzman who actually portrayed the role.

Back then, the Victor Magtanggol project was still under wraps.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Nang makausap ng PEP si Dion sa nakaraang presscon ng Victor Magtanggol, sinabi niyang pinalitan na siya sa nabanggit na afternoon series.

“Siguro hindi nagkaintindihan sa schedule tapos noong binigay sa akin ‘yun [role], parang apat na linggo pa bago ako mag-taping,” sabi ni Dion.

“So, nandiyan na ‘yung Victor Magtanggol. Nakapag-taping na. Wala na, mahihirapan na ‘yung schedule. Tapos nagulat nga ako, si Edgar Allan na.

May pagkakontrabida (nga ang role). Nakita ko nga kay Edgar Allan.”

Nakaramdam ba siya ng panghihinayang about not doing The Stepdaughters?

“Sayang din kasi blessing ‘yun, eh. Pero meron namang kapalit. At saka okay din ito, excited din ako dito kasi parang superhero, maiba naman. Hindi kontrabida, eh. Dito relaxed lang ‘yung character.”

For a change, Dion will play a good character in Victor Magtanggol as the brother-in-law of Alden Richards’s character. He is the husband of Alden’s sister, played by Chynna Ortaleza.

“Dito, parang mabait na father (ang role ko) na gagawin lahat para sa family niya. Bayaw ko si Alden dito kaya lagi kami magkasama kahit sa work niya.

“[Si Chynna], mag-asawa kami dito, tapos meron kaming isang anak [Yuan Francisco].”

How is his experience on the set of Victor Magtanggol?

“Sobrang relaxed sa set kasi ang babait nila. Lalo na si Alden, bonding namin nito, ML, e, Mobile Legends, kasi pareho kaming gamers. ‘Yun ‘yung bonding namin, tapos magaling ‘yung director namin, si Direk Dominic Zapata.

“Kasi isang eksena, matagal kunan kasi parang pelikula. Detalyado kahit ‘yung pagkuha ng susi, kukunan ‘yung kamay mo, tapos wide shot. Si Direk kasi, kuwela din, joker.”

Nagbida na si Dion sa ilang Kapuso teleserye, gaya ng Saan Darating Ang Umaga? (2008), at Magdalena (2012).

However, in his recent projects, Dion was assigned to play supporting roles, particularly in MariMar (2015), Mulawin vs. Ravena (2017), at dito nga sa Victor Magtanggol.

Does he miss playing lead roles in his TV dramas?

‘Siguro kung may chance na mabigyan uli, grab lang nang grab. Hindi naman (sa name-miss magbida). Kung meron, eh, ‘di grab lang.

“Pero thankful ako sa Artist Center, sa GMA kasi kahit papaano, hindi n’yo man ako napapanood na laging may show, at least andito ako. Kahit maliit o malaking blessing, masaya ako. At least napi-feel ko, love ako ng GMA.”

According to Dion, transferring networks also did not cross his mind.

“Sobrang at home na ako dito. Kilalang-kilala ko na lahat, kahit saan mag-guest, mag-taping, kilala mo na.

“Parang kumportable ako rito. At saka naniniwala akong meron ‘yan, dadating din.

“Kaya ginagawa ko, kahit support, talagang ibibigay ko ‘yung best ko. Kasi ini-imagine ko, siguro itong show ko na ito, audition para sa next show ko.

“Iniisip ko, sobrang lahat kami, mahalaga ‘yung characters. Parang keyboard ‘yan, mahalaga bawat isa sa amin,” magandang paliwanag ni Dion.

-Ador V. Saluta