Hinihimok ni House Appropriations Committee Chairman Rep. Karlo Nograles ang mga Pilipino sa buong bansa – lalo na ang mga naninirahan sa probinsiya – na makilahok sa budget process sa pamamagitan ng social media.

“The power of the purse belongs to the people, through their representatives in Congress, so their participation and input should be welcomed and encouraged,” ani Nograles, na ngayon ay binansagang “Ang Probinsyano.”

Ipinahayag ng Davao City 1st district congressman kahapon na ang lahat ng budget hearings na isasagawa ng House of Representatives ay mapapanood nang live sa kanyang Facebook page.

Sinabi niya na welcome ang publiko na magbahagi ng kanilang sentimiyento kaugnay sa kung paano binabalak ng mga ahensiya na gamitin ang kani-kanilang budget. Magsisimula ang budget hearings ngayong araw (Martes).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“This is the money of the people, and these budget deliberations are a means by which the people—through their representatives in Congress—decide how to spend their money. They can and should have a say in how government uses its funds,” himok ni Nograles sa publiko para magpahayag ng kanilang mga opinyon.

Nitong nakaraang linggo, isinumite ng Malacañang ang panukalang P3.757-trilyon National Expenditure Program (NEP) para sa 2019. Ang NEP ang batayan ng General Appropriations Act (GAA) o ang national budget.

Sinabi ni Nograles, na layunin niya bilang Appropriations Chair na ipasa ang “pro-people, pro-probinsyano budget” na consistent sa policy agenda ng Pangulo. At makatutulong ang input mula sa publiko para matamo ang layuning ito.

Kumpleto na ang kalendaryo ng komite para sa mga pagdinig sa budget proposals ng mga dapartamento at ahensiya ng pamahalaan, mula Hulyo 31 hanggang Agosto 29, 2018.

Unang haharap sa House panel sa budget deliberations ang Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority, Department of Finance, at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang tema ng pambansang budget ay “Building a Bright Future for the Philippines and Its People.”

-ELLSON A. QUISMORIO at BERT DE GUZMAN