MATI (AP) — Itinaas ng fire officials sa Greece ang bilang ng mga namatay sa wildfire na lumalamon sa coastal area sa silangan ng Athens sa 91 at iniulat na 25 katao ang nawawala nitong Linggo, anim na araw matapos sumiklab ang pinakanakamamatay na forest fire sa Europe sa loob ng mahigit isang siglo.

Mabilis na kumalat ang apoy sa pamayanan ng Mati, isang sikat na resort spot, nang walang babala nitong Hulyo 23. Ipinakikita sa database ng Centre for the Research on the Epidemiology of Disasters sa Brussels na ito ang deadliest wildfire sa Europe simula 1900.

Karamihan ng mga biktima ay namatay sa mismong sunog, habang ang ilan ay nalunod sa dagat habang tinatakasan ang apoy. Hanggang nitong Linggo ng gabi ay hindi pa nakapagbibigay ang Greek officials ng tally ng mga taong inulat na nawawala.

Ayon sa mga kamag-anak o kaibigan, 25 katao ang itinuturing na opisyal na nawawala, sinabi ni Hellenic Fire Service spokeswoman Stavroula Malliri.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Sa memorial service nitong Linggo ng umaga sa Mati, sinabi ng senior local Greek Orthodox Church official na si Bishop Kyrillos, na nagluluksa ang komunidad sa sabay-sabay na pagkawala ng mga pamilya, kapitbahay at kaibigan.

“There’s fewer of us now than usually,” sabi ng obispo. “It is the victims of the recent fire that are missing — friends, relatives and acquaintances, next-door people that we saw every day in town and on the beach.”