Nais ni Senator Antonio Trillanes IV na itaas pa ang combat duty pay ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang pagkilala sa kanilang mga sakripisyo para sa bansa.

“Aside from recognizing the relevant role of our soldiers in protecting the country from external aggression and internal security threats, we seek to professionalize the AFP as an organization by giving its personnel benefits that are commensurate to their rank and the kind of function they perform,” sabi ni Trillanes.

Sa ilalim ng kanyang Senate Bill No. 1882, itataas ng 25 porsiyento ang combat pay mula sa kasalukuyang natatanggap ng mga tauhan ng AFP.

Aniya, naitaas na ng 50% ang flying pay ng mga miyembro ng Philippine Air Force (PAF), habang 25% naman ang itinaas sa sea duty pay ng mga taga-Philippine Navy, kaya dapat lang na maitaas na rin ang combat pay ng Philippine Army at ng iba pang tauhan ng AFP.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

-Leonel M. Abasola