INIULAT ng TV Patrol ang naging panayam sa TV host-actor na si Vic Sotto kaugnay sa mga detalye ng kanilang Metro Manila Film Festival entry ni Coco Martin na Policecredibles. Ayon kay Vic, positibong mukha o honest na pulis ang ipakikita nila sa pelikula.

Vic copy

“The good side of the police. Madalas nating mabalitaan ‘yong mga hindi magagandang balita. Ito very positive, at the same time entertaining, funny and siyempre ‘pag nandiyan si Coco, aksiyon ‘yan,” bungad ni Bossing Vic.

Ibinunyag din niya na kasama si Maine Mendoza sa nasabing Coco-Vic entry sa nalalapit na MMFF. Si Maine ang magiging leading lady nila ni Coco.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Yes. She felt it was a good project, maganda ‘yong role niya. So hindi kami nagdalawang salita sa kanya,” aniya.

Excited din ang comedian na makatrabaho ang ibang artista galing sa ibang network katulad ni Coco.

“Kaibigan naman natin lahat. Lahat ng networks. So this time matutuloy na. So we’re both excited,” sabi pa ni Vic.

-ADOR V. SALUTA