DIRECT to the point ang pagpo-promote ni Michelle Vito ng movie nila nina Jon Lucas at Akihiro Blanco na Dito Lang Ako.

Michelle

“Ipalalabas na po ngayong August 8, 2018. Sana po panoorin niyo ang magandang story ng Dito Lang Ako. Thank you, thank you po, God.”

Produced ng Blade Entertainment ang kakaibang love story sa direksiyon ni Roderick Lindayag kung saan nag-audition sina Michelle bago na-cast sa role na kanilang ginampanan sa pelikula.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kuwento ng producer, sa mga nag-audition ay sina Michelle, Jon at Aki ang bumagay na magbida at naniniwala ang producer na susuportahan ng moviegoers ang pelikula.

Maganda, marunong umarte at may fans si Michelle na sumusuporta sa kanya. Pero tama ang sinabi niya na malaking tulong ang right timing sa pagsikat ng mga katulad niya.

Idagdag na rin ang right project, right director, right producer at right co-stars at kampante ang producer na nasa Dito Lang Ako ang mga kailangan para maging successful ang movie at para mag-level up na rin sina Michelle, Jon at Aki.

-Nitz Miralles