Arestado ang isang 17-anyos na lalaki na umano’y nagbebenta ng marijuana online, sa buy-bust operation sa Barangay San Miguel, Pasig City, nitong Miyerkules.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director, Police Supt. Joel Bernabe Balba, inaresto ang suspek sa “Tambakan Area” sa Eusebio Avenue, sa Bgy. San Miguel, dakong 6:45 ng gabi nitong Miyerkules.

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek nang mag-post ito sa Facebook ng larawan ng isang grupo ng menor de edad na gumagamit ng marijuana.Nag-viral ang naturang post, kaya tinunton ng awtoridad ang suspek at nagsagawa ng buy-bust operation.

Nakumpiska umano sa suspek ang isang tea bag ng hinihinalang marijuana, tatlong pakete ng umano’y shabu, at P300 buy-bust money.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

-Mary Ann Santiago