Tiniyak ng isang pari ng Simbahang Katoliko na katuwang ng pamahalaan ang Simbahang Katoliko sa pagsusulong ng kaunlaran sa bansa.

Ito ang tugon ni Fr. Anton Pascual, President ng Radio Veritas ng Simbahan at Executive Director ng Caritas Manila, sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) nito na magpapatuloy ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga at korapsiyon.

“Maganda naman ang programa ng ating Presidente laban sa iligal na droga, sa korapsyon sa gobyerno at kriminalidad, ipagpatuloy niya yan at kakampi niya ang buong sambayanan lalong lalo na ang simbahan siyempre ang ayaw lang naman natin ay yung pumapatay sapagkat hindi tungkulin ng tao ang pumatay sabi nga ng Diyos, huwag kang papatay,” pahayag ni Fr. Pascual.

Nagpahayad din ng suporta si Pascual sa Build, Build, Build infrastructure program ng administrasyon, at hiniling na agapayan ang mamamayan sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

'So refreshing!' Netizens nakakita ng 'Diwata' sa Boracay

-Mary Ann Santiago