SINAMAHAN ni Prince Harry ng Britain ang pop star na si Elton John nitong Martes sa paglulunsad ng kampanya upang itaas ang kamalayan ng kalalakihan tungkol sa HIV, at nagbabala sila sa “dangerous complacency” ng virus.
Target ng billion-dollar project na “MenStar” ang mga kalalakihang may HIV sa sub-Saharan Africa, na noon pang 1980 nagsimulang kumalat ang sakit.
“The MenStar coalition is bravely tackling the root cause of this problem — the lack of awareness of HIV prevention amongst hard-to-reach young men,” sabi ni Harry sa 22nd International AIDS Conference sa Amsterdam.
Sa launch, na dinaluhan din nina South African actress Charlize Theron at Ndaba Mandela, ang apo ng yumaong si President Nelson Mandela, inihayag ni Elton John: “If we want to end AIDS once and for all, we must make men part of the solution.”
Tinatayang 36.7 milyong katao sa buong mundo ang mayroong HIV, ayon sa datos ng United Nations’ HIV/AIDS body UNAIDS noong 2016. Wala pa sa kalahati ng bilang ng kalalakihang mayroong sakit ang sumailalim na sa gamutan, kumpara sa 60 porsyento ng kababaihan na sumailalim na sa gamutan, ayon dito.
“It is time there was a global coalition to teach men to protect themselves. And in doing so, it will teach them to better protect not only their wives and girlfriends, their sisters and daughters, but also, critically, their brothers and their sons,” lahad ng British singer.
Inihayag ng UNAIDS nitong buwan na ang pakikipaglaban sa HIV/AIDS ay “slipping off track” at habang bumaba ang bilang ng kaso ng pagkamatay sanhi ng sakit at tumaataas naman ang bilang ng mga nalalapatan ng gamot, ang rate ng bagong HIV infection ay mapanganib at nakababahala sa layuning sugpuin ang sakit.
Sinabi ni Prince Harry sa campaign launch na darating din ang “time when new energetic and innovative solutions are needed more than ever before”.
Ang “MenStar” ay suportado ng PEPFAR program ng U.S. government, tungkol sa pagtatalakay ng HIV/AIDS at ng Bill and Melinda Gates Foundation.
Umaasa ang mga eksperto sa conference na masusugpo na ang AIDS sa buong mundo sa taong 2030.