HANDA nang umarangkada ang ligang basketball para sa kababaihan.

Sa dami na ng paliga ng basketball mula collegiate,amateurs commercial,regional at professional, panahon na para umeksena ang liga na bukas para sa lahat ng kababaihang manlalaro ng basketball partikular sa Metro Manila -2018 QBL Open Championship na eeksena na sa Agosto.

Ayon Kay QBL Organizer Len Macalalad, nagkumpirma nang partisipasyon ang mga koponang Aces,Active,Bukoholics,SME,Royal Manila, at Keng’s.

Gaganapin ang aksiyon sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City tuwing Sabado at Linggo.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

“This is one of a kind basketball. A league for women to showcase their talents. Make way for QBL,” wika ni organizer/ commissioner Macalalad na nagpasalamat sa mga walang sawang taga-suporta sa larangan ng basketball sa bansa.