Laro Ngayon

(MOA Arena)

7:00 n.g. -- Ginebra vs ROS

UNAHAN sa liderato ang sitwasyon ngayon ng Rain or Shine at Ginebra sa paglarga ng Game 3 ng best-of-five semifinals ng PBA Commissioner’s Cup ngayon sa MOA Arena.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Makaraang mabigo noong Game 1, 89-102, bumawi ang Elasto Painters sa Kings nitong Huwebes sa Game 2 para itabla ang serye sa pamamagitan ng 109-100 na panalo.

Pinasiklab ni James Yap ang 12-0 pagtapos ng Elasto Painters para tulungan ang koponan na buhayin ang kanilang tsansa.

Tumapos si Yap na may 18- puntos kasunod ni Import Reggie Johnson na may 25 puntos, 20 rebounds at 8 assists.

“They came out and did what they wanted to do, they played their game so back to the drawing board,” pahayag ni Ginebra coach Tim Cone.

“We knew this ain’t going to be easy, they’re the no. 1 seed and I keep saying that there’s a reason they are the no. 1 seed. We saw it tonight. We just have to take the challenge,” aniya.

-Marivic Awitan