Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki, ilang oras matapos mapatay ang isang single mother sa kalapit na barangay sa Caloocan City.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 30-35 at nakasuot ng puting T-shirt at denim pants.

Sa closed-circuit television (CCTV) footage, mapapanood ang biktima na sakay sa kanyang motorsiklo nang huminto sa kahabaan ng Katarungan Street sa Barangay 149, dakong 11:45 ng gabi nitong Miyerkules.

Ayon kay Senior Insp. Felipe Fermin, Jr., inabot ng biktima ang package sa suspek bago siya nito binoga. Tumakas ang suspek gamit ang motorsiklo ng biktima.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Hindi pa rin alam ng awtoridad ang laman ng package, ayon kay Fermin.

Limang oras bago ang insidente, pinagbabaril naman ng riding-in-tandem si Jennifer Taporada, 27, ina ng dalawang bata, habang siya ay naglalakad sa Peta St., sa Bgy. 152.

Ayon kay Ronald Alforte, barangay kagawad, ang yumaong asawa ni Jeniffer na si Bryan ay binaril at inabandona sa Bulacan noong nakaraang taon.

Aniya, si Bryan ay kilala sa lugar sa pagpatay, ilegal na droga, at carnapping.

-Kate Louis Javier at Orly L. Barcala