BILANG selebrasyon ng 21st anniversary niya sa showbiz, Anne Curtis announced that she’s busy preparing for her final concert titled AnneKulit: Promise, Last Na ‘To, na gaganapin sa Araneta Coliseum in August.

Anne copy

“Sabi ko nga sa Viva, siguro naman pagkatapos nito puwede na ako mag-rest nang konti, noh? Kasi nag-three movies ako. Binawian ko ‘yung dalawang taon ako hindi nag-movie.”

Siniguro rin ni Anne na last concert na niya ang AnneKulit.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Oo last na ‘yun, in celebration of 21 years in the industry. Kabaliwan lang, kulitan lang. That’s why I decided to make it ‘AnneKulit’, kasi kulitan lang siya, and it’s really just a celebration of 21 years. So, may mga footage from the ‘90s, mga ganyan,” pahayag ng It’s Showtime host.

Dalawang pelikula, ang Sid and Aya (Not A Love Story), and the action thriller Buy Bust, ang pinagkaabalahan ni Anne lately. She said she doesn’t mind all the sacrifices she has had to make for her craft.

“Sobrang busy ng 2018. Happy ako. I’m not complaining. I’m very, very happy. Especially with all the projects and being able to work with these master directors.

“Ang galing nga ni God, eh. Parang for two years kasi nagko-complain ako sa Viva na hindi maganda ‘yung mga dumadating na script, kaya ayoko muna mag-shooting. And then bigla na lang sabay-sabay sila dumating, sabay-sabay shinoot.

“Hindi ko lang in-expect na sabay-sabay ipapalabas. Akala ko meron for next year, na it would be spread out, ganyan. Pero wala na sa kamay ko yun, eh,” paliwanag pa ng aktres.

Pagkatapos daw ng kanyang concert sa August, Anne is finally going to go on her honeymoon with husband Erwan Heussaff, sa isang undisclosed location. But when she returns, she will just focus on hosting on TV.

“Magso-Showtime pa rin ako. Hindi muna ako magmu-movie, kasi tatlo ‘yung ipinagawa ng Viva, eh, so ginawa ko naman. Very good girl naman ako sa Viva this year,”sabi ni Anne, tinukoy ang isa pa niyang pelikula, ang Aurora, na entry ng Viva sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.

“Feeling ko happy naman si Boss Vic (Del Rosario), so at least next is Metro Manila Film Festival pa pala. At least may pahinga ako until November,” sabi ni Anne.

-ADOR V. SALUTA