CALATAGAN, Batangas – Bangkay na nang matagpuan ang isang mangingisda, na una nang iniulat na nawawala, kahapon ng umaga.

Sa ulat mula sa Police Regional Office 4 A Calabarzon, kinilala biktima na si Antonio Cudiamat, Jr.

Natagpuan ng search and retrieval team ng Calatagan Police and Calatagan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang bangkay ni Cudiamat sa ilalim ng dagat sa Barangay Talisay sa bayang ito, bandang 7:45 ng umaga.

Ayon kay Calatagan chief of police, Chief Insp. Radam Ramos, tinangay si Cudiamat at ang kasama nito nang malalaking alon habang nangingisda.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakaligtas ang kasama ni Cudiamat, ayon pa kay Ramos.

-Lyka Manalo