Nasa 2,237 pamilya, o 7,437 katao na karamihan ay mula sa Bataan at Bulacan, ang inilikas dahil sa pagbabahang dulot ng habagat at ng magkasunod na pananalasa ng bagyong ‘Henry’ at ‘Inday’, ayon sa Police Regional Office (PRO)-3.

Sinabi ni PRO-3 Director Chief Supt. Amador V. Corpus na ang mahigit 2,000 evacuees ay nagmula sa mga bayan ng Morong, Pilar, Hermosa, Orion, Dinalupihan, at Balanga City, habang ang iba ay mula naman sa Bulacan at Zambales.

“Rescue operations started yesterday as floodwaters began to rise-up raging from waist deep to five feet high in the provinces of Bulacan, Bataan, Pampanga and Zambales,” sabi ni Corpus.

Aniya, may kabuuang 377 pamilya ang na-stranded mula sa mga binaha nilang bahay at sinagip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Search and Rescue.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, iniulat din ng Office of Civil Defense (OCD) ang dalawang insidente ng landslide sa Olongapo City, Zambales.

May ulat ni Fer Taboy

-FRANCO G. REGALA