Anim ang patay habang nasa 40 katao, kabilang ang isang konsehal, ang inaresto sa magkakasunod na anti-drug operations sa iba’t ibang lugar sa Cebu. Tatlo sa mga napatay ay mula sa Talisay City kung saan isinagawa ang 10 buy-bust operations.

Kinilala ang mga napatay na sina Rodel Econas ng Barangay Lagtang; Zebor Canciancio ng Bgy. Lawaan 2; at Rene Fernandez, ng Bgy. Tangke. Bukod sa mga napatay, 10 katao ang inaresto at nasa P400,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa Talisay.

Napatay naman sa anti-drug operations sa Mandaue City sina Niño Macachor, ng Bgy. Tabok; at Ranchie Castañeda, Bgy. Guizo.

Ayon kay Chief Supt. Debol Sinas, director ng Police Regional Office-Central Visayas (PRO 7), nanlaban ang mga napatay sa mga umaaresto at nakipagbarilan sa mga pulis. Isa pang lalaki ang napatay sa anti-drug operation sa bayan ng Carmen, sa Cebu.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ang pagkakakilanlan ng napatay ay hindi agad natukoy. Sa isang pahayag, sinabi ng PRO 7 na ang magkakasunod na operasyon ay parte ng kampanya na tinawag na Enhanced Managing Police Operations.

Sa Cebu City, nasa 32 katao ang inaresto habang nasa P5 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska.

Kinilala ang isa mga inaresto na si Junie Gungob, konsehal sa Bgy. Casili sa bayan ng Consolacion, sa Cebu. Si Gungob ay anak ni dating Consolacion mayor Avelino Gungob.

Si Junie ay inaresto kasama sina Clint Fernandez, ang kanyang misis na si Aileen Bornales, at dalawa pang lalaki. Nakuha sa mga suspek ang ilang pakete ng droga

-CALVIN D. CORDOVA at FER TABOY