CHIANG RAI (Reuters) – Inabangan kahapon ang unang pagharap sa publiko ng 12 Thai boys at kanilang soccer coach na nasagip mula sa binabahang kuweba, sa nationally-televised news conference sa Chiang Rai.

Ang mga batang lalaki, nasa edad 11 hanggang 16, at kanilang 25-anyos na coach ay nagbunsod ng international rescue effort matapos silang makulong sa binabahang Tham Luang cave complex sa Chiang Rai.

Nagpapagaling ang mga binatilyo at kanilang coach sa isang ospital sa Chiang Rai simula nang silang ay masagip.

Maglalaan ang Thai government ng 45 minutes ng airtime sa “Thailand Moves Forward” nito para sa news conference ng mga binatilyo.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Mapapanood din ng live ang palabas, irerekord sa Chiang Rai’s provincial hall dakong 6 p.m. local time matapos ang evening national anthem, sa iba’t ibang istasyon.

Tinutukan ng global media ang rescue operation sa Wild Boars soccer team at daan-daang journalists ang nagtungo sa lugar. Karamihan ng mga mamamahayag ay umalis matapos makalabas ang huling apat na binatilyo at kanilang coach nitong nakaraang linggo. Ngunit kahapon ay muling umingay ang tahimik na bayan sa hilaga ng Chiang Rai bago ang inaabangang paglabas ng mga binatilyo.

“The reporters are back. I had to pick a Japanese reporter up from the airport at 2 a.m.,” sinabi ni Manop Netsuwan, residente ng Chiang Rai at tour operator.

Tatanungin ang mga bata, kanilang coach, at ilang rescuers ng serye ng maiingat na katanungan na nauna nang isinumite ng mga mamahayag, ayon sa mga opisyal.

Hiniling nila sa media at sa publiko na respetuhin ang privacy ng mga bata paglabas ng mga ito sa ospital, dahil posibleng makaapaekto sa mental health ng mga ito ang biglaang atensiyon ng media.

“The media know that the children are in a difficult situation, they have overcome peril and if you ask risky questions then it could break the law,” ani Tawatchai Thaikaew, deputy permanent secretary sa Justice Ministry, sa mamamahayag kahapon.

“We don’t know what wounds the kids are carrying in the hearts,” dugtong niya.