Pinatawan ng Supreme Court ng direct contempt ang petitioner sa kaso ng same sex marriage na si Atty. Jesus Falcis III dahil sa pagsusuot ng punit-punit na pantalon, casual jacket, at hindi pagsuot ng medyas

Sa notice of resolution na pirmado ni SC Court Clerk of Court Atty. Edgar Aricheta, pinuna rin ng hukuman ang hindi tamang inasal ni Falcis nang dumalo ito sa preliminary conference noong Hunyo 5, 2018. Umakto ito na parang hindi handa at walang alam sa tamang decorum sa pagharap sa hukuman.

Sa isinumiteng compliance sa SC noong Hunyo 6, humingi si Falcis ng paumanhin sa kanyang maling inasal at pananamit.

Binalaan ng SC si Falcis na papatawan ng mas mabigat na parusa kapag inulit nito ang pambabastos sa hukuman.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

-Beth Camia