MEXICO CITY (AFP) – Binigyan ni Mexican President-elect Andres Manuel Lopez Obrador ang kanyang future interior minister ng ‘’carte blanche’’ para silipin ang mga posibilidad na gawing legal ang droga sa pagsisikap na mabawasan ang mararahas na krimen, sinabi niya nitong Martes.

Pinalakpakan si Olga Sanchez Cordero, dating Supreme Court judge na napipisil mamuno sa interior ministry, nang banggitin niya ito sa isang university seminar sa pagtugon sa karahasan na bunsod ng drug cartels sa Mexico, ang pinakamalalaking suppliers sa US ng cocaine, heroin at iba pang narcotics.

‘’On the subject of decriminalizing drugs, Andres Manuel told me, and I quote: ‘Carte blanche. Whatever is necessary to restore peace in this country. Let’s open up the debate,’’’ ani Sanchez Cordero.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture