Isang babaeng pasahero ang nasawi habang sugatan naman ang driver ng sinasakyan niyang tricycle matapos na mawalan ng kontrol sa manibela ang huli hanggang bumangga sa isang konkretong poste sa Morong, Rizal, nitong Linggo.

Idineklara nang patay ng mga doktor ng St. Therese Hospital si Emerciana Religioso, bunsod ng matinding pinsala sa ulo at katawan, habang ginagamot pa sa nasabing ospital si Crisologo Refraccion, kapwa nasa hustong gulang, at residente sa naturang lugar.

Batay sa ulat ng Morong Municipal Police, dakong 1:00 ng hapon nang mangyari ang aksidente sa Sitio Taghangin, sa Barangay Maybancal, Morong.

Nauna rito, sakay sa tricycle ang mga biktima at bumibiyahe sa Sitio Taghangin patungo sa bayan ng Teresa nang pagsapit sa naturang lugar ay nawalan ng kontrol sa manibela si Refraccion.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Lumiko pakanan ang tricycle hanggang sa tuluyang bumangga sa isang konkretong poste.

-Mary Ann Santiago