KUALA LUMPUR — Tulad nang inaasahan, naghihintay ang Heroes’ Welcome sa pagbabalik ni Manny Pacquiao mula sa matagumpay na world title fight sa Malaysia.

Kasama ang pamilya, mga kaibigan at miyembro ng Team Pacquiao, kaagad na nilisan ng Pinoy champion ang kapitolyo ng Malaysia kahapon sakay ng chartered Philippine Airlines patungong General Santos City.

Unang plano ng grupo na sa Miyerkules tumulak pabalik sa Manila, ngunit nanaig ang pagnanais ng Pambansang Kamao na kaagad na maibahagi ang tagumpay sa kanyang mga kababayan.

Tangan ni Pacquiao ang bagong titulo -- World Boxing Association welterweight title—matapos pabagsakina ng matikas na si Lucas Matthysse ng Argentina nitong Linggo sa Axiata Arena.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakopo ni Pacman ang ika-60 career win at sae dad na 39, tila wala pang puwang ang pagreretiro sa tinaguriang pound-for-pound king.

Plano ni Pacquiao na manatili sa General Santos ng ilang araw bago magbalik sa Manila para sa pagbubukas ng session sa Senado.