SINAMANTALA ng mag-asawang Dingdong at Marian Dantes ang kanilang weekend nang parehas na maging libre mula sa trabaho, at nagtungo sa Batangas para magbakasyon.

Marian copy

Wala kasing Sunday PinaSaya si Marian last July 15, dahil coverage ng GMA Network ang Pacquiao-Matthysse fight na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Naikuwento dati ni Marian na dalawang beses na raw silang nakapanood ng laban ni Senator Manny Pacquiao sa Las Vegas, pero lagi raw talo, kaya siguro kahit malapit lang ang Malaysia, ay dito na lamang sila nagpahinga.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Batay sa Instagram story ni Marian, nag-enjoy siyang mag-swimming habang si Dingdong ay busy na nagbabasa ng libro, na dala niya sa bakasyon. Nag-aaral kasi ang Kapuso Primetime King sa University of the Phillipines ng master’s degree in public administration.

Magiging busy na rin si Dingdong dahil magsisimula na siyang mag-taping para sa bago niyang teleserye sa GMA Network, ang seryeng pagsasamahan daw nila ni Dennis Trillo. At since announced nang sila ni Richard Gutierrez ang makakasama ni Vice Ganda sa entry nito sa Metro Manila Film Festival 2018, ang Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya, anytime siguro ay magsu-shooting na rin siya.

May balita naman na may gagawin ding movie si Marian for the MMFF pero wala pang malinaw na announcement kung totoo ito. Hindi pa rin siya magsisimulang mag-taping ng bago niyang teleserye sa GMA dahil mauuna si Dingdong, since hindi nila puwedeng iwanang mag-isa si baby Zia.

Sa ngayon, busy si Marian sa mga dumarami pa niyang endorsements at sa kanyang Tadhana program every Saturday at sa Sunday PinaSaya, dahil na naghahanda na sila para sa month-long third anniversary ng show sa August.

-Nora V. Calderon