SYDNEY (AFP) – Dalawang Australian divers na tumulong sa paglabas ng mga batang football team na nakulong sa isang kuweba sa Thailand ang binigyan ng diplomatic immunity bago ang rescue sakaling ito ay mabigo, iniulat kahapon ng national broadcaster na ABC.
Nakulong ang ‘’Wild Boars’’ team sa kuweba sa hilaga ng Thailand sa loob ng 18 araw bago sila matagumpay na nailabas ng Thai Navy SEALs at multination cave diving experts sa napakamapanganib na tatlong araw na operasyon.
Malaki ang naging papel ng anaesthetist na si Richard Harris at ang kanyang diving partner na si Craig Challen, kapwa cave diving specialists, sa rescue.
Sumabak sila sa rescue mission kasunod ng mga negosasyon sa pagitan ng Australian at Thai authorities na bigyan sila ng diplomatic immunity para maprotektahan sa posibleng prosekusyon sakaling may hindi magandang mangyari sa masalimuot na misyon, iniulat ng ABC, binanggit ang isang official source.
Inilarawan ni Challen ang misyon na ‘’absolutely life and death’’ at hindi nakasisiguro ang cave diving specialists kung matagumpay nilang mailabas ang lahat ng 12 binatilyo at kanilang coach.
‘’It wasn’t dangerous for us, but I can’t emphasise enough how dangerous it was for the kids,’’ aniya sa Sunday Times ng Perth.
Sedated ang mga bata at ‘’they didn’t know what was going on’’ para maiwasang mataranta sila habang inaalalayan ng divers palabas sa makipot na lagusan, ayon pa kay Challen.
‘’They had drugs. We could not have panicking kids in there, they would have killed themselves and possibly killed the rescuer as well.’’
Sinabi ng divers na nagsanay sila sa labas kasama ang mga batang residente sa lugar sa karatig na pool, bago nag-practice kasama na ang mga nakakulong na binatilyo para sanayin ang mga ito sa pagsuot ng wetsuits, buoyancy jackets at full-face masks.
Malaking hamon ang pagdaan sa makipot na bahagi ng tunnel na napakadilim, sinabi ng British diver na si Jason Mallinson sa ABC.
‘’The only time you find out about (the section) is when your head bangs against the wall,’’ aniya, inilarawan ang pagsisikap niya na maipasok ang isa sa mga batang kanyang sinasagip sa bawat obstacle.
‘’I was confident of getting the kid out. I wasn’t 100 percent confident of getting him out alive…Because if we bashed him against a rock too hard and it dislodged that mask and flooded his mask, he was a goner... We didn’t have a backup device for them. It was that mask or nothing.’’
Sinabi ng mga doktor na maayos na ang kalagayan ng mga binatilyo at patuloy na nagpapalakas sa ospital matapos silang mailabas nitong nakaraang linggo