MATAGAL nang iniwan ni Direk Joel Lamangan ang pagdidirek ng teleserye. Sabi niya noon, mas gusto niyang magdirek na lang ng movie, dahil madali lang matapos. Nagdirek na rin siya ng mga musical stage plays, kinalimutan muna niya ang paggawa ng mga teleserye.

Direk Joel at cast ng 'Pamilya Roces'

Kaya nakakagulat na biglang may teleserye siyang gagawin, at balik-GMA nga siya sa Pamilya Roces, isang family drama.

Ano kaya ang nakita niya sa proyektong ito at nabago ang pananaw ni Direk Joel para balikan ang pagdidirek ng teleserye?

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang cast kaya? Mukhang pinagsama-sama kasi ng GMA ang mga beauty queen at pinakamahuhusay na aktres, na mga pangalan daw ng bulaklak ang mga gagampanang characters.

Balik-GMA rin, sa Pamilya Roces, si Ms. Gloria Diaz, ang kauna-unahang Miss Universe ng Pilipinas. Tampok din si Ms. Elizabeth Oropesa, na dati ring beauty titlist; at si 2017 Reina Hispanoamericana Teresita Ssen “Wynwyn” Marquez.

Mapapanood din sa Pamilya Roces ang pawang mahuhusay na sina Snooky Serna, Carla Abellana, Gabbi Garcia, Shaira Diaz, Mika dela Cruz, at ang mga bagong Kapuso actresses na sina Jasmine Curtis Smith at Michelle Dee, anak ni dating Miss International Melanie Marquez. Pasok din sa serye sina Rocco Nacino, Christian Bautista, at Roi Vinzon.

-Nora V. Calderon