NIAMEY (AFP) – Halos 600 African migrants sa Algeria ang inabandona sa disyerto nang halos walang makakain at maiinom bago sila nasagip, sinabi ng isang opisyal sa katabing Niger nitong Linggo.
Inakusahan ng rights groups ang mga awtoridad ng Algeria ng arbitrary arrest at pagpapatapon sa migrants mula sa sub-Saharan Africa at minsan ay itinatapon sila sa disyerto, na mariing itinanggi ng gobyerno.
‘’Three days ago a first wave of 180 Nigeriens arrived in Agadez followed by another wave of at least 400 foreigners,’’ sinabi ng isang mataas na municipal official sa northern Niger city.
Ang Agadez, kilalang gateway patungo sa Sahara, ay naging key hub para sa African migrants na nagsisikap makarating sa Europe.
‘’According to the migrants, they were taken close to the border and dumped,’’ ayon sa opisyal. ‘’Left with a minimum of food and water (they) walked a good 50 kilometres before being rescued.’’