INAMIN ni Buboy Fernandez na malaking hamon sa kanya ang laban ni Manny Pacquiao kay Argentinian Lucas Matthysee, ngunit ang kababaang-loob at tiwala ng eight-division world champion sa kanyang kakayahan ang kanyang naging motivation para isulong ang paghahanda ng Pambasang Kamao.

IBINIDA ni boxing icon at promoter Oscar dela Hoya ang title belt na nakataya sa laban nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Argentinian Lucas Matthysee sa media conference para sa kanilang title fight bukas sa Kuala Lumpur, Malaysia. (MP PROMOTION PHOTO)

IBINIDA ni boxing icon at promoter Oscar dela Hoya ang title belt na nakataya sa laban nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Argentinian Lucas Matthysee sa media conference para sa kanilang title fight bukas sa Kuala Lumpur, Malaysia. (MP PROMOTION PHOTO)

“Mabigat ang challenge. Ito ang first time na ako ang head trainor kaya kabado ako dahil lahat nakapasan sa akin. Laking pasalamat ko lang at tiwala si Senator Pacquiao at sinusunod niya ang bawat instruksyon ko,” pahayag ni Fernandez sa live broadcast interview ng Unang Hirit kahapon.

“Kung meron man siya (Pacquiao) na gustong gawin, tinatanong muna niya ako kung puwede niyang gawin. Pinag-uusapan namin naman at kung kaya naman isinasama na namin sa plano,” aniya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Matalik na kaibigan ni Pacquiao si Fernandez na nakasama niya mula nang lumuwas sa Manila para makibaka sa buhay may ilang dekada na ang nakalilipas. Bahagi ng Team Pacquiao sa matagumpay na kampanya ng boxing icon, naibigay kay Fernandez ang pagiging head trainor nang hindi na kunin ni Pacquaio ang serbisyo ni Hall-of-Famer Freddie Roach.

‘First time namin ito na ako ang nag-guide ng programa ni Senator, hopefully maging maayos ang lahat,” aniya.

Hindi itinanggi ni Fernandez na mabigat na kalaban si Matthysee kung kaya’t sentro ng kanilang plano na hintayin kung anong atake nito sa laban para sa mas epektibong counter-attack.

“Kung aatake siya, doon kami sisilip nang tamang counter. Hindi yung kami ang aatake.

“Pero kung maaga pa lang masilip na ni Senator Pacquiao na bukas ang tyansa kukunin na namin agad,” pahayag ni Fernandez.

Malaki naman ang paniniwala ni Golden Boy Promotions big boss Oscar De La Hoya na patas ang laban nina Pacquiao at WBA welterweight champion na si Matthysse sa kanilang duwelo bukas sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ngunit, kapag nalito si Matthysse sa pagpapakawala ng mga suntok ni Pacquiao ay tiyak na malilito siya at mabibigo sa laban.

“If I were Lucas, I would not get frustrated because Pacquiao can frustrate you. He can do that because he throws so many punches,” paliwanag ni Dela Hoya sa ginanap na press conference.

“Lucas has to be cool, calm and collected. He has to force the action. He has to show Manny that he is younger, stronger and fresher. If you don’t show that to Manny, he can walk all over you. That’s who he is. That’s why he’s so good,” sambit ng boxing legend na nakatikim ng kabiguan sa mga kamao ni Pacman.

-Gilbert Espeña