Nasawi ang isang lalaki at tatlo niyang anak makaraang masunog ang kanilang bahay sa Sultan Kudarat, Maguindanao, kahapon ng umaga.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Sultan Kudarat, nangyari ang sunog dakong 2:27 ng umaga sa Barangay Katuli, Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga biktima na si Demos Araneta at mga anak niyang sina Mujahidden Araneta, Dina Araneta, at Dagol Araneta, pawang nakatira sa Bgy. Katuli, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng BFP, bigla na lang nagliyab ang bahay ng mag-aama na mabilis na kumalat sa katabing bahay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaagad na nagresponde ang mga bombero at inapula ang pagliliyab ng apat na bahay, na pawang gawa sa light materials.

-Fer Taboy