ANKARA (AFP) – Sinibak ng mga awtoridad ng Turkey ang mahigit 18,500 state employees kabilang ang mga pulis, sundalo at academics, saad sa kautusan na inilathala kahapon.

Sinabi ng Official Gazette na 18,632 katao ang tinanggal sa trabaho kabilang ang 8,998 police officers sa emergency decree kaugnay sa pinaghihinalaang koneksiyon sa terror organisations at mga grupo na kumikilos ‘’against national security’’.

May 3,077 sundalo ng arm ang sinibak gayundin ang 1,949 tauhan ng air force at 1,126 mula sa naval forces.

Karagdagang 1,052 civil servants mula sa justice ministry at mga katuwang na institusyon ang tinanggal gayundin ang 649 mula sa gendarmerie at 192 mula sa coast guard. Sinibak din ng mga awtoridad ang 199 academics, ayon sa bagong kautusan, habang 148 state employees mula sa military at ministries ang pinabaik.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Nasa state of emergency ang Turkey simula noong Hulyo 2016 nang tangkang patalsikin si President Recep Tayyip Erdogan.