WASHINGTON (AFP) - Isinalang ng US officials sa DNA testing ang 3,000 nakadetineng bata na nakahiwalay pa rin sa kanilang mga migranteng magulang, inihayag ng isang mataas na opisyal nitong Huwebes sa pagsisikap ng administrasyon ni President Donald Trump na mapabilis ang reunion ng mga pamilya na pinaghiwalay sa US-Mexico border.
Ang kontrobersiyal na procedures ay bahagi ng mga pagsisikap ng gobyerno na maabot ang deadline na tinakda ng korte sa Hulyo 26 para ibalik ang mga bata sa kanilang mga magulang.
Sinabi ni HHS Secretary Alex Azar sa conference call na ang Department of Health and Human Services ay nagsasagawa ng ‘’DNA testing to confirm parentage quickly and accurately.’’ Sinabi ng kanyang team na ang procedures ay ‘’harmless’’ cheek swabs.
Ngunit nagbabala ang mga kritiko na maaaring gamitin ito para sa surveillance.