Muling lumagpas sa target collection ng Bureau of Customs (BoC) ang nakolekta ng 16 sa 17 port sa bansa, para sa buwan ng Hunyo ngayong taon.

Ito ang ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng kawanihan, at pumalo sa P50.139 bilyon ang kabuuang koleksiyon ng BoC.

Makikita sa unang datos ng Financial Service ng bureau na ang pinakabagong koleksiyon ng ahensiya ay 4.9 porsiyentong mas mataa, o higit ng P2.342 bilyon, sa P47.797 bilyon na target na kita para sa Hunyo.Ang paglago sa koleksyon ay 41.6%, o mas mataas ng P14.01 bilyon, sa P35.417 bilyon na nalikom sa parehong panahon noong 2017.

Noong nakaraang buwan, nakapagtala ang BoC ng P2.12 bilyon kita, sobra sa kabuuang koleksiyon na P52.748 bilyon, habang ang karamihan o 16 sa 17 port ay lumagpas sa kani-kanilang collection targets.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

-Mina Navarro