KUALA LUMPUR (Reuters, AP) - Sumumpa kahapon si dating Malaysian prime minister Najib Razak na “not guilty” sa tatlong kaso ng criminal breach of trust at isang kaso ng abuse of power. Itinanggi niya ang lahat ng akusasyong ibinabato sa kanya.

Dumating si dating Malaysian prime minister Najib Razak sa korte sa Kuala Lumpur, Malaysia, kahapon. (REUTERS/Lai Seng Sin)

Dumating si dating Malaysian prime minister Najib Razak sa korte sa Kuala Lumpur, Malaysia, kahapon. (REUTERS/Lai Seng Sin)

Ilang buwan matapos siyang matalo sa halalan, kinasuhan si Najib ng katiwalian kahapon dahil sa umano’y pagtanggap ng milyun-milyong dolyar na bribe money.

Si Najib ang unang ex-premier sa Malaysia na humarap sa hukom, bunga ng mga akusasyon na nagbulsa siya ng 42 milyon ($10.4M), at tatlong bilang ng criminal breach of trust. Ang bawat kaso ay may parusa na hanggang 20 taong pagkakulong.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Humarap sa korte ang 64- anyos na dating lider matapos siyang arestuhin sa kanyang bahay ng mga opisyal na nag-iimbestiga kung paano nawala ang bilyun-bilyong dolyar ng 1MDB sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Hiniling ni Attorney General Tommy Thomas, namumuno sa 12-member prosecution team, sa korte na magtakda ng four million ringgit bilang piyansa at bawiin ang pasaporte ni Najib.

Iginiit ng abogado ni Najib na si Muhammad Shafee na ‘’not a flight risk’’ ang kanyang kliyente.