PINATUNAYAN ni Kyline Alcantara na siya ang La Nueva Kontrabida tulad ng title na ibinigay sa kanya ng Sunflowers fan club niya. Turning sixteen pa lamang si Kyline pero kaya na niyang gumanap bilang kontrabida, nang isama siya sa high rating primetime series na Kambal Karibal.

Kyline

Nang tanungin si Kyline kung hindi ba siya natakot na sa first TV series niya sa GMA 7 ay nakasama niya ay sina Carmina Villarroel, Alfred Vargas, Marvin Agustin at Jean Garcia, plus ang magka-loveteam na Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

“Noong una ko pong malaman na kontrabida role ang gagampanan ko, medyo nakaramdam ako ng takot, pero itinuring ko pong challenge iyon sa akin,” sagot ni Kyline. “Ang totoo po nang una akong kunin sa series, ako po ang gaganap daw na batang Jean Garcia, pero nang magsisimula na kaming mag-taping, sinabi po nilang ako na ang gaganap sa role ni Cheska, ang kontrabida sa buhay ng kambal na sina Crisan (Bianca) at Crisel (Pauline Mendoza). So lalo po akong na-challenge dahil mas mahaba na ang role na gagampanan ko. Hindi po ninyo naitatanong paborito ko pong kontrabida si Ms. Bella Flores, sayang nga po at wala na siya, hindi ko na po siya pwedeng makasama.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa tumatakbong story ngayon ng Kambal Karibal, dual role na kontrabida ang ginagampanan ni Kyline, ang multong si Cheska na todo ang sama ng ugali, na sinasaktan pati ang pamilya nina Geraldine at Allan ay sinasaktan, at bilang si Crisel na nasa katawan ni Cheska.

Bumalik ang pagiging selosa ni Crisel kay Crisan dahil kay Diego (Miguel) at lalong ayaw niyang makuha ng totoong Cheska ang katawan nito. Bilang ang multong si Cheska, may eksena rin na sinaktan niya at gustong patayin si Miguel, sa pagnanais niyang maging tao ulit muli.

“Salamat po na kahit masama ako as Cheska, hindi pa naman nagagalit sa akin ang mga televiewers dahil naiintindihan nila kung bakit ako naging masama,” sabi pa ni Kyline.

Ang Kambal Karibal ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng The Cure.

Samantala, bukod sa Kambal Karibal ay pumirma na ng recording contract si Kyline sa GMA Records, at kung hindi mababago, naka-schedule na rin siyang mag-record ng kanyang first solo album this Tuesday, Hulyo 3, kaya excited na siya.

Ang gusto ni Kyline ay mga kanta na makaka-relate ang millennials pero ipinaubaya na niya sa GMA Records ang pagpili sa mga kanta na babagay sa kanya.

-NORA V. Calderon