BUMUO ng bagong grupo ng Karate ang ilang opisyales , sa pangunguna ng dating presidente ng sinuspinding Philippine Karatedo Federation (PKF) na si Joey Romasanta.

Nagkaroon ng inisyal na pagpupulong kahapon ang nasabing grupo kung saan ilang miyembro buhat sa iba’t ibang Karate clubs ang dumalo at ito ay tinawag nilang Philippine Karatedo Confederation (PKC).

Gayunman, sinabi ni Emerson Balbin isa sa mga opisyales ng Karate club na wala umanong plano ang grupo na iapply ito bilang isang NSA, gayung hanggang sa kasalukuyan, ang PKF pa rin ang siyang kinikilala umano ng POC sa pamumuo pa rin ni Romasanta.

“Not for the meantime kasi po PKF-NSA pa rin recorgnized ng POC. Pero pag nawala na po, PKC po ang napagkasunduan ng majority na iapply. Unlike sa iba maliit at exclusive clubs lang sila,” pahayag ni Balbin.”Si Sir Joey po ay sa PKF-NSA. Sa PKC wala pa pong officials. Tatapusin pa po meeting namin sa Visayas at Mindanao. Gumawa muna kami ng working committee for Luzon,” dagdag pa ni Balbin.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayon naman sa isang source, natatakot ang ilang miyembro ng PKF na maging lider muli si Romasanta, gayung ayaw na nila muling maulit ang mga katiwalian na nangyari noon sa PKF at hindi umano nila papayagan na pamunuan muli ng una ang grupo ng Karatedo.

Matatandaan na sinuspinde ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagbibigay ng pondo sa dating National Sports Association (NSA) at i winidraw ng World Karatedo Federation (WKF) ang pagkilala dito matapos pumutok ang isyu ng katiwalian sa maling paggamit ng pondo para sa pagsasanay sana ng koponan sa Europa noong nakaraang taon.

Kinasuhan ng mga miyembro ng National Team ang dati nilang secretary general na si Reymod Lee Reyes ng malversation of funds kaugnay ng nasabing isyu.

-Annie Abad