PINABULAANAN ng isang opisyal ng Nazareth School of National University ang naunang pahayag ng dati nilang estudyante na lumipat ng San Beda University na si Rhayyan Amsali.
Sa ginawang pahayag ng opisyal na minabuting huwag munang ibigay ang kanyang pangalan, sinabi niyang batid ni Amsali at sinabihan ito isang buwan bago ang i t inakdang deadl ine hinggil sa project na kailangan niyang isumite para pumasa sa kanyang Senior High School course na Fundamentals of Accountancy and Business Management 1 (FABM1).
Nauna ng naghain ng reklamo laban sa Nazareth School si Amsali matapos i t o n g ma b i g y a n n g markang 74 sa naturang subject na naging dahilan para di sya mabigyan ng clearance sa paglipat niya sa San Beda.
May pahiwatig pa ang pamilya nito na posibleng sinadya ang pagbibigay sa manlalaro ng bagsak na marka upang maantala ang pag transfer nito. .
“Without the required notice to his parents, coupled by the failure to give him reasonable opportunity to submit, albeit, belatedly the required project, this constitutes, according to the Commission, an ‘unfair dealing amounting to denial of his rights to administrative due process.’ This apparent injustice could have been easily avoided if due notice was given,” nakasaad sa statement ng pamilya ni Amsali.
Gayunman, umaasa pa rin ang mga taga National University na magkakaayos din ang magkabilang panig dahil wa l a naman umano silang planong ipitin ang manlalaro, patunay dito ang pagpayag ng coaching staff ng Bullpups sa paglipat nito.
-Marivic Awitan