Patay ang umano’y drug pusher nang manlaban sa buy-bust operation habang arestado ang kasabwat nito sa Valenzuela City, nitong Martes.

Ayon kay Chief Inspector Jowi louei Bi laro, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU), dead on arrival sa Valenzuela City Medical Center si Ronaldo Asistio, alyas Golem 52, ng Barangay Panghulo, Malabon City, dahil sa tama ng bala ng baril sa dibdib.

Arestado naman si Ranny Manalastas, 21, ng Mulawinan, Bgy. Panghulo, Malabon City.

Ikinasa ng awtoridad ang anti-illegal drugs operation sa Doresol Compound, Area 5, Pinalagad, Bgy. Malinta, Valenzuela City, dakong 8:35 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang makabili na ng shabu ang police poseur-buyer ay nakahalata umano si Asistio na mga pulis ang kanilang katransaksiyon kaya pinaputukan nito ang mga pulis.

Matapos ang ilang minutong sagupaan, napatay si Asistio.

Tinangka ring tumakas ni Manalastas ngunit siya ay bigo.

Nakumpiska sa suspek ang hindi pa mabatid na dami ng umano’y shabu, marked money at isang cal. 38 revolver.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Orly L. Barcala