Mga laro ngayon

(Filoil Flying V Center)

1:00 n.h. -- St. Benilde vs UP

2:45 n.h. -- San Beda vs Adamson

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4:00 n.h. -- De La Salle vs FEU

7:00 n.h. -- Ateneo vs Letran

MATIRA ang matibay sa walong koponang nalalabi matapos ang elimination round ng 2018 Filoil Flying V Pre Season Cup.

Magtatapat ngayong hapon sa knockout quarterfinals ang walong koponang nanguna sa dalawang grupo noong preliminaries para alamin ang apat na uusad sa semifinals.

Matapos ang dalawang buwan, naibaba sa walo ang kabuuang 19 na koponang naglaban sa elimination.

Nakatakdang magtuos sa unang laro ang sorpresang Group B topnotcher College of St. Blazers (7-1) at Group A fourth seed, University of the Philippines na nagtala ng anim na sunod na panalo sa pagtatapos ng elimination, ganap na 1:00 ng hapon.

Kasunod nito ganap na 2:45 ang tapatan ng defending tournament champions San Beda University at Adamson University.

Nagtapos na may 7-2 panaĺo-talong marka kapantay ng La Salle, nakopo ng Red Lions’ ang second seed sa Group A sa bisa ng 72-70 panalo sa Green Archers.

Makakatunggali naman ng Green Archers ang isa sa mahigpit nilang karibal na Far Eastern University sa ikatlong laban ganap na 4:00 ng hapon.

Kababalik pa lamang mula sa kanilang training sa Greece, haharapin naman ng natatanging undefeated team noong elimination at Group A topnotcher Ateneo de Manila (9-0) ang Group B fourth placer Letran ganap na 7:00 ng gabi.

Ang mga magwawaging koponan ay uusad sa semifinals bukas-Biyernes (Hunyo 29) kung saan ang mananalo ay maghaharap sa kampeonato sa Sabado.

-Marivic Awitan