THE HAGUE (AFP) – Naghain ang Qatar ng urgent case sa pinakamataas na korte ng United Nations laban sa United Arab Emirates, na inaakusahan nito ng human rights violations matapos putulin ng katabing bansa sa Gulf ang lahat ng ugnayan sa Doha noong nakaraang taon.

Sa three-day hearing simula nitong Miyerkules sa International Court of Justice, diringgin ng judges ang mga argumento ng mga abogado ng Doha, at inaasahang sasagot ang UAE sa Huwebes. Mag-uusap ang dalawang bansa sa Biyernes.

Isinampa ang kaso isang taon matapos putulin ng Saudi Arabia, United Arab Emirates (UAE), Bahrain at Egypt ang kanilang relasyon sa Doha noong Hunyo 5, 2017, na inaakusahan nila ng pagsusuporta sa terorismo at sa Iran. Itinanggi ng Qatar ang mga elagasyon
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina