Labing-pitong babae na biktima ng human trafficking ang na-rescue ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Indang, Cavite, kahapon.

Isa sa mga biktima na muntik nang maipadala sa Riyadh, Saudi Arabia ang nagtimbre sa awtoridad.

Nabatid na ang mga biktima ay ni-recruit ni Hairia Ugan, ng Advance Step International Manpower Services na nakabase sa General Santos City.

Arestado naman ang mga nag-escort sa mga biktima na sina Simplicio Punzalan at Jomer dela Cruz, nasa hustong gulang, na kapwa empleyado ng nasabing recruitment agency.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Beth Camia