Isa ang pagkakaroon ng security protocol para sa mga pari at obispo ng Simbahang Katoliko sa mga isyu na maaaring matalakay ng mga miyembro ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa plenary assembly sa susunod na buwan.

Sa isang mensahe, sinabi ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles na maaaring pag-usapan ng mga Obispo ang paghahanda para sa kanilang kaligtasan, kasunod na rin ng pamamaril sa apat na paring Katoliko kamakailan, na ikinasawi ng tatlo sa kanila at ikinasugat ng isa pa.

“That (a security protocol) could be discussed by the bishops,” mensahe pa ni Valles.

Nabatid na ang susunod na CBCP plenary assembly ay isasagawa sa Hulyo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Batay sa 2017 Catholic Directory, may mahigit 10,000 pari sa buong bansa.

Sa kabila naman ng panganib sa kanilang buhay, mahigpit pa rin ang pagtutol ng mga obispo na magbitbit ng armas ang mga pari upang protektahan ang kanilang sarili, dahil taliwas ito sa kanilang misyon bilang tagapagpahayag ng salita ng Diyos at tagasulong ng kapayapaan.

-Mary Ann Santiago