Tinutugis na ngayon ng mga tauhan ng Quezon City Police ang riding-in-tandem na bumaril at pumatay sa isang babaeng negosyante at sa tindera nito, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD)-Station 3 commander Supt. Alex Alberto ang mga biktimang sina Araceli Alvarez, 49, negosyante; at isang alyas “Inday”, 50, parehong taga-Bonifacio Street, Veterans’ Village, Barangay Pasong Tamo.

Itinakbo pa ang dalawa sa General Malvar Hospital ngunit binawian na ng buhay dahil na rin sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa kanyang imbestigasyon, b i n a n g g i t n i PO3 Al v i n Qujisumbing, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), na nagbabantay ng mini-grocery ang mga biktima nang biglang dumating ang dalawang suspek at bigla silang pinagbabaril, dakong 7:50 ng gabi.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Blangko pa rin ang mga imbestigador sa motibo sa pamamaslang na patuloy pa nilang iniimbestigahan.

-Jun Fabon