Dead on the spot ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos umanong makipagbarilan sa awtoridad, na ikinasugat ng isang pulis, sa buy-bust operation sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek sa alyas na Tatay Ponso, tinatayang nasa edad 55-60, nakasuot ng itim na T-shirt, shorts at dilaw na tsinelas.

Isinugod naman sa ospital si PO1 Dominic Enguio dahil sa tama ng bala sa kaliwang hita.

Nagkasa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang mga tauhan ng Parañaque City Police at sinalakay ang Riverside 1, Barangay Tambo, dakong 2:20 ng madaling araw.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Binentahan umano ng suspek si PO1 Jevie Ferrer, na nagsilbing poseur-buyer, ng dalawang pakete ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P1,000. Gayunman, nakahalata umano ang suspek at pinaputukan ang mga pulis.

Napilitang gumanti si PO1 Enguio subalit tinamaan siya ng suspek.

-Bella Gamotea