CLEVELAND (AP) – Lumagda ng kontrata si Billy Preston sa Cleveland Cavaliers para makasali sa Summer League, ayon sa ulat ng AP.
Si Preston ay undrafted sa katatapos na NBA Rookie Drafting.
Ang dating five-star Kansas recruit ang ikalawang player na kinuha ng Cavaliers sa preseason.
Naunang kinuha ng Cavaliers si Collin Sexton bilang No. 8 pick sa rookie draft.
Ang 6-foot-10 forward ay hindi opisyal na nakalaro sa Jayhawks matapos masuspinde bunsod ng pagkakasangkot sa on-campus vehicular accident.
Nakapaglaro si Preston sa BC Igokea sa Bosnia bago sumama sa drafting.
Nagpapalakas ng line-upa ng Cavaliers upang maabatan ang posibleng muling pagalis ng free agent na si LeBron James.