LEGAZPI CITY, Albay – Nag-isyu ng maagang abiso ang ilang lokal na pamahalaan dito sa pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas, pampubliko at pampribado, dahil sa strike ng Concerned Drivers and Operators-Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Condor-PISTON), na magsisimula sa ganap na 12:00 ng hatinggabi ngayon hanggang 12:00 ng hatinggabi sa Martes, Hunyo 26.

Ang ilan sa mga lokal na pamahalaan na nag-abiso ay ang Legazpi City (sa lahat ng antas, pampubliko at pampribado); Ligao City (sa lahat ng antas, pampubliko at pampribado); bayan ng Sto. Domingo (sa lahat ng antas); Guinobatan (sa lahat ng antas, pampubliko at pampribado); Daraga (sa lahat ng antas); Jovellar (sa lahat ng antas); at Polangui (sa lahat ng antas, pampubliko at pampribado).

Nagbigay din ng maagang abiso ang University of Santo Tomas- Legazpi at Sunshine International School hinggil sa pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas.

Ayon kay Ramon Rescovilla, deputy secretary general ng Condor-Piston –regional transport alliance ng Piston- umaasa silang nasa 90 porsiyento ng mga jeepney driver at operator mula sa Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at maging sa Masbate ang makikiisa.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Samantala, ang Naga City ay nag-abiso ng "No suspension of class and work" ngayong Lunes.

-Niño N. Luces